Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pagtaas ng kaso ng influenza at hand foot and mouth disease (HFMD).
Kasunod ito ng mataas pa ring bilang ng nagkakasakit ng dengue sa bansa.
Sa tala ng DOH, umabot sa higit 70,000 kaso ng influenza light illness ngayong taon.
Karamihan ng mga biktima ay mula sa Region 10, 12 at CALABARZON.
Habang naitala naman ang 2,000 tinamaan ng sakit na HFMD higit na mataas kumpara sa 300 lamang noong nakalipas na taon.
Hinimok ng DOH ang publiko na magpabakuna laban sa influenza at panatilihing malinis ang kapaligiran at katawan upang maiiwas sa iba pang sakit.
By Rianne Briones