Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hinggil sa mga kumakalat na pekeng pera ngayong holiday season.
Batay sa datos ng BSP, sa bawat isang milyong pera na umiikot sa bansa, 11 dito anila ay peke.
Dahil dito, pinapayuhan ng BSP ang publiko na suriing mabuti ang security features ng mga perang papel kabilang na ang watermark at serial number.
Kasabay nito, tiniyak ng BSP ang pakikipag-ugnayan nila sa Kongreso para maparusahan ang mga sindikatong mahuhuling nag-iimprenta at nagpapakalat ng pekeng pera.
By Ralph Obina