Pinaghihinay-hinay ng isang eksperto ang publiko sa pagkain ngayong holiday season lalo’t kaliwa’t kanan ang mga pagtitipon.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Dr. Maricar Limpin, immediate past president ng Philippine College of Physicians, mainam na limitahan ng publiko ang kanilang pagkain gaya na lamang ng lechon na karaniwang handa sa mga party.
Binigyang diin pa ni Limpin na dapat inumin sa tamang oras ang mga gamot partikular ng mga may comorbidities upang maiwasan ang pagtaas ng blood pressure at sugar.
Maliban aniya sa COVID-19, ay pinaghahandaan din nila ang paglaganap ng iba pang mga sakit.
Binigyang diin pa ni Limpin na magkaroon ng healthy lifestyle lalo na ngayong kapaskuhan.