Nagbabala ang ilang negosyante sa mga bibili ng handang lechon ngayong pagsalubong sa bagong taon dahil sa naglipanang online scam.
Ayon sa kanila, ang modus ng naturang scam ay hihingan ka ng deposito o downpayment ngunit hindi naman idedeliver ang lechon na iyong inorder.
Pinagiingat naman ng Quezon City veterinary department ang publiko sa pagbili ng double-dead na lechon.
Samantala, inaasahan ang posibleng pagtaas ng presyo ng nasabing handa ngayong Disyembre 31. —sa panulat ni Mara Valle