Hinimok ng isang Infectious Disease Expert ang publiko na umiwas sa matataong lugar sa dahil sa banta ng bagong COVID-19 variant na Omicron.
Iginiit ni D.O.H. Technical Advisory Group member, Dr. Edsel Salvana na pinakamainam pa rin na depensa laban sa virus ang pagsunod sa minimum public health standards at pagpapaturok ng COVID-19 vaccine.
Dapat anyang maghanda, paigtingin ang border control, magsuot ng facemasks at bakunahan ang mas maraming tao.
Inirekomenda rin ni Salvana ang pagsusuot ng face shield bilang dagdag proteksyon.
Aminado naman si Salvana na bagaman nakakatakot sa ngayon ang omicron, maiiwasan naman ang posibleng malalang epekto nito kung patuloy na mag-iingat. —sa panulat ni Drew Nacino