Pinaiiwas ng Food and Drug Administration ang publiko sa pagbili at pag-inom ng beer na Stella Artois dahil sa posibleng kontaminasyon.
Ipinabatid ni FDA Director General Nela Puno na pinare-recall ng manufacturer ng Belgian beer ang libu-libong 300 milliliter na mga bote na posibleng may small glass particles.
Partikular na pinababawi ang mga bote ng nasabing Belgian beer na may “Best Before” stamps na April 25 at 26, June 3 at September 15 at 16.
Kaagad namang tumugon sa recall order ang local distributor ng beer na Cooze Online Incorporated.