Ayaw pa ring paawat ng mga tao para masilayan ang artificial white sand sa Manila Bay.
Ngayong araw na ito ay pinagbigyan ng mga otoridad ang publiko na makaakyat sa footbridge at makakuha ng larawan ng white sand.
Subalit saglit lamang at hindi pupuwedeng sabay-sabay ang pananatili sa footbridge.
Inatasan din ang mga dumarating na pumila muna at hintayin ang kanilang pagkakataon para maka-akyat sila sa footbridge.
Ang bahagi ng Manila Bay kung saan makikita ang puting buhangin ay isinara muna matapos magkagulo at dagsain ng tao nitong nakalipas na weekend, dahilan kaya’t bigong maipatupad ang physical distancing.