Pinayapa ng Department of Trade and Industry o DTI ang pangamba ng publiko hinggil sa dumobleng inflation para sa buwan ng Hunyo.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na posibleng bumagal pa ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin o inflation sa mga susunod na buwan.
Ito ay sa pamamagitan aniya ng inangkat na bigas at asukal ng pamahalaan na inaasahan ding magpapababa sa presyo ng mga bilihin.
“Kung magiging dahilan po para mag-stabilize ang presyo natin ng ilang buwan kung medyo matagal man baka sakaling makapag-cause din ito ng pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin natin, paano po? ‘yung gasolina kapag bumababa sa international market ay bababa rin ang presyo niya, sana maging dahilan ito.” Ani Castelo
Matatandaang bumilis sa 5.2 percent ang inflation para sa buwan ng Hunyo na doble o mas mataas sa 2.5 percent na inflation noong Hunyo ng nakaraang taon.
(Ratsada Balita Interview)