Pinayuhan ng National Task Force against Covid-19 ang publiko na magdala pa rin ng face shield kung lalabas ng bahay.
Ayon kay NTF Spokesperson Restituto Padilla, ito ay dahil mayroon pa ring mga establisyemento na nag o obligang magsuot ng face shield.
Aniya, mainam pa rin na mag-ingat lalo na kung maraming tao sa pupuntahang mga lugar.
Una rito, sinabi ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na maaari pa ring i-require ng may-ari ng mga establisyemento at workplaces ang kanilang customers at empleyado na magsuot ng face shield. —sa panulat ni Hya Ludivico