Nagpaalala ang mga otoridad sa publiko na iwasan ang mag-overshare ng kanilang personal information online.
Ito ay dahil laganap pa rin sa bansa ang mga scam text messages na naglalaman ng pangalan ng mga subscriber.
Payo naman ng mga eksperto, maging mapanuri at maingat sa pagtugon sa mga scam texts.
Ayon sa mga otoridad, mananatiling dead-end ang imbestigasyon ukol sa usapin hangga’t walang batas tungkol sa registration ng mga sim card sa bansadahil madalas na gumagamit ng prepaid cards ang mga scammer. —sa panulat ni Hannah Oledan