Pinayuhan ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez publiko na bumili ng mga produkto sa mga supermarket kung saan mas stable ang presyo at sumusunod sa Suggested Retail Price.
Ayon kay Lopez, may listahan at organisado ang presyuhan ng mga produkto sa mga supermarket.
Kung tutuusin anya ay mas mataas ang presyo sa mga palengke o mga tindahang nagbebenta ng non-branded goods at agricultural products.
Bagaman magkatuwang ang Departments of Agriculture at Trade and Industry sa price monitoring, ipinunto ni Lopez na ang D.A. ang nagpapatupad ng mga panuntunan at nangangasiwa sa mga wet market.
Kahapon ay sinimulan na ng D.A. ang implementasyon ng Suggested Retail Price sa mga agricultural products sa Metro Manila.