Pinayuhan ng Depeartment of Health (DOH) ang publiko na tiyaking naluto ng mabuti ang mga karneng baboy.
Kasunod na rin ito ng kumpirmasyon ng department of agriculture (DA) na apektado na rin ng African Swine Fever (ASF) ang ilang mga alagang baboy sa bansa.
Binigyang diin naman ni health secretary Francisco Duque III na walang dapat ipangamba ang publiko sa pagkain ng karneng baboy dahil hindi mapanganib sa kalusugan ng tao ang ASF.
Pinayuhan din ng DOH ang mga hog raisers na huwag pakainin ng mga hilaw o hindi maayos na pagkakaluto ng mga produktong karneng baboy ang kanilang mga alaga.