Pinag – iingat ng Malakanyang ang publiko sa epektong dala ng bagyong ‘Maring’ gayundin ng bagyong ‘Lanie’.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na dapat maging handa ang lahat at mag-monitor sa mga balita para makaiwas sa disgrasya dulot ng bagyo.
Tiniyak naman ni Andanar ang regular na pagbibigay ng updates sa galawan ng bagyo mula sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at media organizations.
Pinayuhan din ni Andanar ang publiko na sumunod sa direktiba ng kanilang local officials lalo na yung mga nasa mabababang lugar para makapag-evacuate sa ligtas na lugar kung kinakailangan.
______