Maaaring mabakunahan ang publiko sa buwan ng Mayo.
Ito’y dahil naudlot ang pagdating ng bakuna mula sa Covax facity kasama ang bakunang mula sa Pfizer at AstraZeneca.
Ayon kay vaccine czar Secretray Carlito Galvez Jr., ginagawa ng gobyerno ang lahat ng kanilang makakaya upang makakuha ng bakunang mula sa Covax facility ksama ng ibang brand ng bakuna.
Dagdag ni Galvez, nagbayad na ang Pilipinas ng mas malaki upang mas mapaaga ang pagdeliver ng mga bakuna sa bansa.
Samantala, target naman ng pamahalaan na makuha ang bakunang mula sa Moderna at ibang bakuna sa buwan ng Mayo o Abril. —sa panulat ni Rashid Locsin