Posibleng mabakunahan kontra COVID-19 ang publiko sa buwan ng Abril o Mayo.
Ito’y ayon sa national government, maaaring tuluyang matanggal ang virus sa taong 2022.
Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., inaasahan ng Pilipinas ang 1.4 milyong doses ng bakuna mula sa Sinovac-BioNTech at siyam na raang libo mula sa Covax facility sa susunod na buwan.
Dagdag ni Galvez, ang 3.4 milyong doses ng bakuna ay sapat na para sa lahat ng health care workers sa bansa.
Dahil dito, maaaring sa darating na buwan ng Abril o Mayo ay magkakaroon na tinatawag na ” general public vaccination” kung saan posibleng matanggal ang virus sa susunod na taon.— sa panulat ni Rashid Locsin