Humihingi ng paumanhin ang Department of Public Works and Highways o DPWH sa publiko na naaabala sa matinding trapik dulot ng mabagal na pag-usad ng kanilang flood control projects.
Sa pagdiriwang ng ika-117 anibersaryo ng ahensya, sinabi ni DPWH Secretary Rogelio Singson sa mga pasahero na tiis-tiis muna sa mabigat na daloy ng trapiko hangga’t hindi pa natatapos ang kanilang mga proyekto tulad sa Maysilo sa Mandaluyong at Blumentritt sa Maynila.
Binigyang diin ni Singson, target ng ahensya na matapos ang mga pagkukumpuni sa mga drainage system sa susunod na taon ngunit hindi tinukoy ang eksaktong petsa.
Bahagi ng 20-year master plan on flood control ng pamahalaan ang mga ginagawang pagkukumpuni ng DPWH sa mga pangunahing kalsada sa Maynila bukod pa sa mga road repairs at rehabilitasyon ng mga tulay.
By Jaymark Dagala