Nanawagan ang Palasyo sa publiko na walang dapat na ika-alarma sa harap ng naging hakbang ng North Korea na pagpapakawala ng missile na dumaan sa Japan.
Napag-alamang dinaanan ng North Korean Missile ang Hokkaido at bumagsak sa Pacific Ocean, 733 Miles o 1,180 kilometrong silangan ang layo mula sa nabanggit na isla na sakop ng Japan.
Ganunpaman, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na may ginagawa pa ring pakikipag-ugnayan ang security officials ng bansa sa mga friendly nations sa rehiyon patungkol sa ikinasang missile launch.
Ito’y sa harap ng anumang maaaring maging development o tensiyon pagkatapos na isagawa ang missile launch at ikatlo nang dumaan sa teritoryo ng Japan.
Sakali naman aniyang kailangang mag-isyu ng alerto o anomang hakbangin kaugnay nito, inihayag ng tagapagsalita ng Malacañang na ito ay ipapangasiwa na sa Office of the Civil Defense.
By Meann Tanbio
SMW: RPE