Walang dapat ikabahala ang publiko sa takbo ng justice system sa bansa.
Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque sa gitna ng kaliwa’t kanang kontrobersya na kinakaharap ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Roque, hindi naman ang Korte Suprema ang may problema kundi ang punong mahistrado na posibleng mapatalsik sa puwesto dahil sa mga paglabag umano sa batas.
Ang 13 anyang boto ng mga mahistrado para pagbakasyunin si Sereno ay patunay na buhay at maayos na gumagana ang justice system sa bansa.
Una ng inihayag ng Palasyo na aantabayanan na lamang nito ang magiging kapalaran ni C.J. Sereno sa kanyang impeachment case sa Kongreso at ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa Quo Warranto petition na inihain ni Solicitor-General Jose Calida.
Drew Nacino / Jopel Pelenio / RPE