Naki-usap ang mga Senador sa publiko na maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon at huwag magpadaig sa takot.
Kasunod ito ng nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila kahapon kung saan, nasa halos apatnapu na ang nasawi habang nasa pitumpu ang tinatayang sugatan.
Ayon kay Senador Riza Hontiveros, dapat magtuloy pa rin ang buhay sa kabila ng pangyayari at huwag magpadaig sa banta ng mga terorista.
Para kay Senador Richard Gordon, walang dapat ikabahala ang publiko dahil kontrolado naman ng pamahalaan ang sitwasyon.
Sa panig naman ni Senador Tito Sotto, itinuturing niyang isolated case lamang ang nangyaring pag-atake at wala itong kinalaman sa terorismo.
By: Jaymark Dagala