Walang dapat ikabahala ang lahat sa ilang araw na hindi pagpapakita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko.
Ito ang kapwa pahayag nila Senate President Koko Pimentel at Majority Leader Tito Sotto makaraang hindi makita ng publiko ang Pangulo mula nuong araw ng linggo, bisperas ng Independence Day.
Ayon sa dalawang Senador, tiyak na ipa-a-alam naman ng Malakaniyang ang pinakahuling kalagayan ng pangulo partikular na sa aspeto ng kalusugan nito.
Magugunitang hindi nasilayan ng publiko si Pangulong Duterte sa mga aktibidad hinggil sa paggunita sa Araw ng Kalayaan nuong Lunes na umani ng kaliwa’t kanang puna at batikos.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno