Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang dapat ikabahala ang publiko sa pagkalat ng impormasyon hinggil sa umano’y pag-atake ng Isis sa Northern Luzon.
Ayon kay Marine Brig. Gen. Edgard Arevalo, tagapagsalita ng AFP, hindi nila hahayaan na mamayani ang karahasan saan mang panig ng bansa.
Kailangan pa rin umano nila itong siyasatin ng maigi kung totoo ba o hindi ang nasabing impormasyon.
Bahagi aniya ng kanilang standard operating procedures (SOP) na alamin ang katotohanan sa likod ng impormasyon upang agad makapaglatag ng karampatang aksyon sa pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng pamahalaan sa aspeto ng seguridad.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Arevalo ang puliko na maging mapagmatyag at alerto sa anumang tao o aktibidad ng mga ito sa kanilang komunidad.