Nanawagan ang Vatican sa lahat Katoliko sa buong mundo na wala dapat ipag-alala sa kalusugan ni Pope Emeritus Benedict XVI.
Ito’y makaraang ihayag ng kanyang personal secretary na si Georg Gänswein, hindi aniya dapat mag-alala ang publiko sa kalagayan ng 93 taong gulang na dating Santo Papa dahil maliit lamang ang iniindang sakit nito.
Pagdidiin ni Gänswein na sa katunayan, bumubuti na ang lagay ng Santo Papa na taliwas sa pahayag ng biographer nito na si Peter Seewald.
Nauna rito, nagtungo si Seewald kay Pope Emeritus Benedict XVI at nakitang mahina ang kalusugan nito.
Kasunod nito, nanawagan ang Vatican sa publiko na patuloy na lamang ipagdasal ang dating Santo Papa maging ang kasalukuyang Santo Papa.