Pinawi ng Malacañang ang pangamba ng publiko kaugnay sa sakit mula sa China na bubonic plague.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagama’t sineseryoso ng pamahalan ang banta ng naturang sakit, wala naman dapat ipangamba ang publiko dahil nananatili aniyang sarado ang mga border ng Pilipinas dahil sa travel restrictions na ipinatutupad bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang bubonic plague ay isang klase ng impeksyon sa lymphatic system dulot ng bacterium yersinia pestis na naipapasa sa pamamagitan ng flea bites at mga hayop na mayroon nang impeksyon.
Ilan sa mga sintomas ng sakit ay ang pagkakaroon ng lagnat, ubo, panginginig at masakit na lymph nodes.