Maaari na muling bumisita ang publiko sa Puerto Galera.
Ayon sa mga opisyal, halos dalawang taong nalugmok ang turismosa lugar at umabot sa P2.5 bilyon ang nawalang kita sa naturang industriya.
Ayon kay Mayor Rocky Ilagan, nagluwag na rin sila ng requirements ngayong halos lahat ng economic health workers doon at 62% ng kabuuang populasyon ng Puerto Galera ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Upang makapasok sa lugar, kailangan lamang ng booking confirmation sa mga hotel, S-Pass at vaccination card.
Papayagan na ring makapasok ang mga bata at may inaalok ring libreng antigen test ang lokal na pamahalaan at bukas din sila na bakunahan ang mga turistang hindi pa nababakunahan.
Inaasahan namang tataas sa 150% ang tourism arrival sa Puerto Galera.—sa panulat ni Hya Ludivico