Muling nag-positibo sa paralytic shellfish poison o red tide toxin ang baybayin ng Puerto Princesa at Honda Bay sa Palawan.
Batay sa panibagong pagsusuri na isinigaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, lumitaw na nanatili pa ring kontaminado ng red tide ang mga nabanggit na bayan sa Palawan.
Dahil dito muling pinaalalahanan ng BFAR ang publiko na hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng lamang dagat mula sa Puerto Princesa at Honda Bay.
Marso 20 nang unang ideklara ng BFAR na positibo sa red tide toxin ang dalawang nabanggit na bayan sa Palawan.
—-