Idineklara ang Puerto Princesa City Jail bilang kauna-unahang drug-free jail facility sa Pilipinas.
Ito ay mula sa mahigit 740 iba pang mga piitan sa buong bansa.
Batay sa isinagawang evaluation at validation process ng Regional Oversight Committee on Jail Drug Clearing Operation, lumabas na nasunod ng Puerto Princesa City Jail ang kanlang mga itinakdang parameters.
Kabilang dito ang hindi pagkakaroon ng inmate na drug personality na nasa drug watch list, negatibo sa drug test ang mga personnel at inmate sa piitan.
Gayundin, walang makukumpiskang iligal na droga o paraphernalia sa tatlong magkakasundo na inspeksyon kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pagkakaroon ng advocacy campaign at symposium sa drug free workplace.
Samantala, tiniyak naman ng pamunuan ng Puerto Princesa City Jail na patuloy silang maghihigpit sa piitan para mapanatili ang nakuhang pagkilala bagama’t aminado silang hindi ito magiging madali.
—-