Nananatiling sarado ang Puerto Princesa City sa mga turista sa labas ng siyudad dahil pa rin sa COVID-19.
Sinabi ni Mayor Lucilo Bayron, nasa 900 ang active cases sa siyudad at limitado rin ang kanilang health care facilities.
Sa ngayon kasi aniya ay puno na ang mga ospital sa lugar.
Upang makapasok sa siyudad, kabilang sa mga hinihinging requirements ay ang negatibong resulta ng RT-PCR test, vaccination card na nagpapakitang fully-vaccinated, S-pass registration, airline ticket, at travel order na nagpapakitang Authorized Person Outside of Residence o APOR.
Target ng lungsod na mas luwagan ang turismo sa siyudad sa abril ng susunod na taon.—sa panulat ni Hya Ludivico