Inihayag ng Puerto Princesa City Incident Management Team na hindi muna tatanggap ang lungsod ng mga returning resident hanggang Setyembre 15, 2021.
Ayon kay Puerto Princesa IMT Commander Dr. Dean Palanca, bunsod ito ng pagbawi ng Inter-Agency Task Force sa general community quarantine sa NCR.
Aniya, agad nilang inihinto ang pagtanggap ng returning residents matapos ianunsyo na balik MECQ ang Metro Manila.
Sinabi naman ni palanca na makakapasok pa rin sa lungsod ang mga returning Overseas Filipinos o ROFs at mga Authorized Persons Outside of Residence.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico