Isinailalim na sa state of calamity ang lungsod ng Puerto Princesa sa Palawan.
Dahil dito, inaasahang magagamit na ang may P21 milyong pisong calamity fund upang tulungan ang mga apektado ng tagtuyot.
Nakalaan ang nasabing pondo para makakuha ng mga trak ng bumbero na magsusuplay ng tubig sa mga residente gayundin ang pamamahagi ng gamot at bakuna laban sa rabies.
Naka-standby na rin ang karagdagang pondo mula sa lalawigan para sa posibleng insidente ng sunog sa kanilang lugar.
By Jaymark Dagala