Nahaharap sa kasong plunder at paglabag sa Graft and Corrupt Practices Act si Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn.
Ayon kay Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Chairman Martin Dinio ito ay kaugnay umano sa paglustay ni Hagedorn sa P60 million pesos na pondo ng lokal na pamahalaan noong 2012 hanggang 2013.
Nagsagawa anila ng serye ng withdrawal ang alkalde, subalit hindi naman maipaliwanag kung saan ginamit ang mga ito.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)