Sinibak sa pwesto si Mayor Lucilo Bayron ng Puerto Princesa dahil sa kasong Serious Dishonesty at Grave Misconduct.
Sa kapasyahan na inilabas ng tanggapan ng Ombudsman, naging administratively liable si Bayron dahil sa pagtatalaga sa anak niyang si Karl bilang Project Manager ng bantay Puerto VIP Security Task Force.
Ayon pa sa Ombudsman, kaakibat ng dismissal order ng mag-ama ang parusang perpetual disqualification from holding public office at cancellation of eligibility at forfeiture of retirement benefits.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc