Nanawagan ng tulong ang Puerto Princesa para sa karagdagang health workers bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang lugar.
Ayon kay Mayor Lucilo Bayron, humiling na sila sa national at regional Inter-Agency Task Force Against COVID-19, para madagdagan ang kanilang medical frontliners.
Ani Bayron, nalalagay sa alanganin ang mga quarantine facilities dahil sa limitadong health workers.
Natigil din umano pansamantala noong ika-10 hanggang ika-15 ng Mayo ang operasyon ng RT-PCR testing center ng Puerto Princesa dahil sa maintenance na nagresulta sa mga backlog.
Dahil dito, nakatakda umanong bumisita sa lungsod sina testing czar Secretary Vince Dizon, vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at mga miyembro ng regional IATF.