Hinihintay na lamang ng Puerto Princessa PNP ang isusumiteng waiver ni Vice Mayor Luis Mercaida III upang mapunta sa kanila ang kostudiya rito
Ito ang inihayag ni Supt. Ronie Bacuel, hepe ng Puerto Princesa PNP makaraang arestuhin ang bise alkalde dahil sa pag-iingat ng mga armas at droga
Kasunod nito, tiniyak ni Bacuel ang kaligtasan ni Marcaida at hindi niya hahayaang matulad ito sa ibang mga opisyal na pamahalaan na napaslang matapos maaresto
Kahapon, naaresto si Marcaida at agad isinailalim sa drug test upang malaman kung gumagamit ba ito ng ipinagbabawal na gamot
Nahaharap si Marcaida sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa Sec. 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act
By: Jaymark Dagala
SMW: RPE