Hindi makakapagbayad ang Puerto Rico ng 422 milyong dolyar na halaga ng pagkaka-utang nito.
Ayon kay Alejandro Garcia Padilla, gobernador ng Puerto Rico, hindi mababayaran ng San Juan ang pagkakautang nito, dahil marami itong dapat laanan ng pondo.
Ipinaliwanag ni Garcia Padilla na maaari silang magkaroon ng humanitarian crisis kung hindi nila mapaglalaanan ng pondo para sa suweldo ng mga nasa public sector at gayun din ang para sa kalusugan at edukasyon.
Sa kabila nito, nilinaw ni Garcia Padilla na hindi sila humihingi ng bail out kundi ang restructuring lamang ng kanilang utang.
By Katrina Valle
Photo Credit: AP