Kinumpirma ng health ministry ng Puerto Rico, ang unang kaso ng microcephaly na dulot ng Zika virus.
Ayon kay Dr. Brenda Rivera, Chief epidemiologist ng Puerto Rico, ang fetus ay dinonate ng pamilya sa Department of Health at walang travel history ang pamilya nito.
Maliban sa severe microcephaly, nakitaan din ito ng intra cranial calcification.
Unang nakita ang koneksyon ng zika at microcephaly sa Brazil.
By: Katrina Valle