Nagdeklara na ng bankruptcy ang Puerto Rico matapos pumalo sa tinatayang isandaan at dalawamput tatlong (123) bilyong dolyar ang kanilang pagkaka-utang at obligasyon sa pensyon ng mamamayan.
Halos sampung (10) taon na ring nasa recession ang ekonomiya ng Puerto Rico at kamakailan lamang ay idinemanda na sila ng kanilang major creditors.
Ang deklarasyon ng bankruptcy ay magbibigay ng daan upang ma-restructure ang mga pagkakautang ng American territory.
Apatnapu’t apat na porsyento (44%) ng mamamayan ng Puerto Rico ang mahihirap at umaabot sa labing isang porsyento (11%) ang kanilang unemployment rate.
By Len Aguirre