Nagdeklara na ng state of emergency ang Puerto Rico bilang paghahanda sa Tropical Storm Dorian na posibleng maging hurricane sa loob ng 24-oras.
Naglabas na rin ang National Hurricane Center ng hurricane watch at tropical storm warning sa Puerto Rico at Dominican Republic.
Naglagay din sila ng babala sa isla ng Martinique, Saba at St. Eustatius.
Pinaghahanda na ni Puerto Rican Governor Wanda Vasquez Garced ang 3-M mamamayan nito mula sa nasabing bagyo.
Taong 2017 nang maranasan ng Puerto Rico ang hagupit ni Hurricane Maria.
Tiniyak din ni U.S. President Donald Trump na nakahanda silang tulungan ang Puerto Rico sakaling manalasa ang Tropical Storm Dorian.