Idineklara na ang state of emergency sa Puerto Rico matapos ang pagtama ng 6.4 na magnitude na lindol sa bansa .
Ayon sa pahayagan na El Nuevo Dia, ipinag-utos na rin ni Puerto Rico Governor Wanda Vazquez ang activation ng national guard.
Aniya, mananatiling sarado ang lahat ng mga pampublikong opisina sa bansa maliban samga emergency services office.
Nakiusap din si Vasquez sa publiko na manatiling kalmado at bigyang pansin ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya.
Magugunitang isa ang namatay sa pagtama ng lindol noong Lunes, ika-6 ng Enero.