Isang pugot na ulo ng lalaki ang iniwan sa gitna ng kalsada sa Talisay, Negros Occidental.
Kinilala ang bangkay na si Mario Demetrio, residente Ng Bacolod City at sinasabing bugaw ng isang babaeng sex worker na pinatay ng hinihinalang customer nito.
Wala ring suot na pang-itaas si Demetrio habang tadtad ito ng sugat sa likod, may pasa sa katawan at nakatali ng straw ang dalawang kamay nito.
Agad namang natagpuan ang ulo ng biktima sa di kalayuan ng crime scene.
Batay sa imbestigasyon, kasama ni Demetrio ang sex worker na si Jovelyn Mahinay nang maka-tranksiyon nila ang isang hindi pa matukoy na kliyente at matapos nito ay natagpuang patay ang babae.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang krimeng nangyari sa nasabing lugar. —sa panulat ni Jenniflor Patrolla