Isang pugot na ulo ng babae ang natagpuang palutang-lutang sa creek sa boundary ng mga barangay Pitogo at barangay Pinagkaisahan sa Makati City kahapon.
Inakala ng construction worker na si Rodel Drece na sa manikin ang natagpuan niyang ulo ngunit, agad itong nagtatakbo nang malamang ulo ito ng tao at ipinagbigay alam sa pulisya.
Batay sa imbestigasyon ng Makati Police, tinatayang nasa edad 20 hanggang 25 anyos ang nasabing babae, mahaba ng buhok at nakitaan ng sugat sa kanang bahagi ng noo.
Kasalukuyan nang inaalam ng pulisya kung ito ang nawawalang ulo ng natagpuang katawan sa gilid ng kalsada sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan nuong Huwebes ng gabi.
By: Jaymark Dagala