Nagnegatibo sa novel coronavirus ang person under investigation (PUI) na nasawi sa San Lazaro Hospital kamakailan.
Ayon kay Health Director for Epidemiology Bureau Fercito Avelino, ito ang kinumpirma ng confirmatory test result na nagmula sa Australia.
Una nang nadala sa naturang ospital ang lalaki na nagmula sa Wuhan Province dahil sa pagpapakita ng flu–like symptoms at una nang nagpositibo sa human immunodefiency virus.
Samantala, isasalang din sa confirmatory testing ang nobyo ng babaeng Chinese na kauna – unahang nag positibo sa nCoV sa bansa.
Kasalukuyan pa rin itong nasa isolation room sa San Lazaro Hospital at patuloy pa ring inoobserbahan.