ALAM n’yo ba na ang paboritong seaweed ng mga Ilokano ay maaaring makatulong daw sa paglaban sa cancer?
Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), napatunayang maganda sa kalusugan ang pagkain ng “pukpuklo” sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik sa University of Santo Tomas.
Lumalabas daw sa pag-aaral na nilalabanan ng “pukpuklo” ang enzymes na nagpapakalat ng cancer sa katawan.
Maliban dito, mayaman din daw ito sa carbohydrates o starch at cellulose na nakakatulong sa katawan para lumakas at masuportahan ang cells at tissues.
Nakakatulong din ito sa sakit sa balat, goiter, at isa ring mabisang anti-aging.
Ang “pukpuklo” ay kadalasang ginagawang salad kasama ang kamatis.
Sinasabing patok din itong pulutan ng mga taga-Ilocos, Aklan, Iloilo at Cagayan.