Alam niyo ba na maraming taglay na sustansya ang pagkain ng mga Pulang Prutas?
Ayon sa mga eksperto ang pagkain ng mga pulang prutas at gulay ay nagtataglay ng phytonutrients para mapanatiling malusog ang katawan.
Kabilang dito ay ang mga strawberry, kamatis, watermelon, cherries, cranberries, beetroot, raspberries, red peppers, red cabbage at red grapes.
Nakakatulong rin ang beetroot para mabawasan ang peligro sa pagkakaroon ng cancer.
Mataas rin sa bitamina, mineral at mataas sa calcium ang pagkain ng mga pulang prutas at gulay.
Nakatutulong din ang mga pulang prutas sa mata at sa kalusugan ng puso.