Arestado ang isang pulis na naka-assign sa Drug Enforcement Unit ng Quezon PNP dahil sa umano’y pangongotong.
Kinilala si PO2 Robin Robiso na naaresto 7:00 kagabi sa kanyang bahay sa Dasmarinas, Cavite.
Ayon kay Counter Intelligence Task Force o CITF Spokesperson Chief Inspector Jewel Nicanor, nakatanggap sila ng sumbong na nanghihingi umano ang nasabing pulis ng 25,000 piso kapalit nang di pag-aresto sa complainant.
Nagkasa ng entrapment operation ang CITF kung saan naaktuhan ang si PO2 Robiso na tumanggap ng 10,000 pisong marked money.
Depensa naman ng pulis, kasabwat ang complainant sa nagnakaw umano ng kanyang baril na pitong buwan ding nawala bago niya narekober.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng PNP-CITF si PO2 Robiso para sampahan ng kasong kriminal at administratibo.