Arestado ang isang pulis matapos ireklamo ng panghahalay umano sa siyam na taong gulang na anak ng kaniyang live-in partner sa Valenzuela City.
Kinilala ang suspek na si Corporal Reynold Aggabao Panao, 38- anyos, nakatalaga sa Dalandanan Police Sub-Station.
Ayon kay Valenzuela Police Chief, Col. Salvador Destura, nahaharap si Panao sa reklamong Two counts of Rape at Child Abuse.
Naganap anya ang panghahalay noong Hulyo at naulit nitong Setyembre.
Batay sa imbestigasyon, nagsimula ang panghahalay wala pang isang buwan simula nang magsama ang suspek at ina ng biktima.
Nagkakaroon umano ng pagkakataon ang suspek na isagawa ang kahalayan habang wala sa bahay ang ina paslit.
Samantala, nasa pangangalaga na ng Lokal na Pamahalaan ng Valenzuela City ang biktima habang tumanggi munang magbigay ng pahayag si Panao.