Arestado ang isang pulis na pinaghihinaalang nanggahasa ng kanyang sariling anak sa Cebu.
Batay sa ulat, dating miyembro ng special unit ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) ang suspek.
Ayon kay Police Major Windel Abellana, information officer ng CPPO, huling hinalay ng suspek ang 14 anyos na anak nitong babae noong March 17.
Nagtungo ang biktima at ang ina nito sa istasyon ng pulis upang isumbong ang nangyaring insidente.
Agad namang tumakas ang suspek, ngunit naaresto rin sa manhunt operation ng Liloan Police Station.
Tiniyak ng Police Regional Office-Central Visayas (PRO-7) na magsasagawa sila ng kaukulang aksyon laban sa suspek.
Samantala, isasailalim naman ang menor de edad na biktima sa stress debriefing.