Hinigpitan na ng Bulacan-PNP ang seguridad hinggil sa posibleng pagpasok ng mga smuggled na paputok sa probinsya.
Ayon sa ulat, naglagay na ng checkpoint ang mga otoridad sa lungsod ng Bocaue para inspeksyunin ang papasok at palabas na mga sasakyan.
Sa ngayon ay wala pa namang nahuhuli ang mga otoridad na mga iligal na paputok na ipinupuslit sa lalawigan.
Samantala, mahigpit namang naka-antabay sa labas ng mga tindahan ng paputok sa Bulacan ang mga tauhan ng Bureau of fire Protection.
Matatandaang noong nakaraang taon, dalawa ang nasawi habang dalawampu ang nasugatan sa pagsabog sa isang tindahan ng paputok sa Bocaue.