Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang isang pulis na kinilalang si Corporal Raymart Rigor matapos masangkot sa pamamaril ng isang estudyante sa Quezon City.
Base sa imbestigasyon, nakuhanan ng isang Dashcam video ang insidente kung saan, isang motorsiklo na sinasakyan ni Rigor ang huminto sa sinasakyang Transport Network Vehicle Service (TNVs) ng 22-anyos na biktimang kinilalang si Ad Castro.
Dito na umano binaril ni Rigor ang estudyanteng si Castro kasabwat ang iba pang pulis na nag-cover-up sa insidente.
Agad naman naidala sa ospital ang bikitima na ngayon ay nagpapagaling na.
Sumuko naman ang suspek na si Rigor na umaming nakainom kung saan, aabot sa pitong pulis ang naka-hold ngayon sa Headquarters ng QCPD sa Camp Karingal para imbestigahan kaugnay sa insidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero