Arestado ang isang Pulis – Maynila na nangongotong umano sa mga bus operator sa Lawton.
Kinilala ang pulis na si PO2 Joseph Buan na nakatalaga sa traffic section ng Manila Police District.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Counter-Intelligence Task Force Spokesperson Chief Insp. Jewel Nicanor, inireklamo sa kanila ang dalawang Pulis – Maynila na tuwing Biyernes ay nanghihingi umano ng P2,000.00 lagay sa mga bus operator sa Liwasang Bonifacio.
Kasunod ng naturang sumbong, ikinasa ng CITF ang entrapment operation laban sa dalawang pulis, pero isa lamang ang nahuli matapos tanggapin ang marked money.
2 Pulis – Caloocan dinampot makaraang madawit sa pangongotong
Dinakip ng PNP – CITF o Philippine National Police – Counter Intelligence Task Force ang dalawang Pulis – Caloocan makaraang madawit sa pangongotong.
Kinilala ng PNP – CITF ang mga suspek na sina PO2 Jaypee Pagarigan at PO1 Christian Panganiban, kapwa nakatalaga sa Police Community Precinct 3.
Nabatid na humihingi ng pera ang mga pulis sa pamilya ng kanilang mga naaarestong indibidwal kapalit ng kanilang kalayaan at hindi pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.
Dahil dito, naglatag ng entrapment operation ang mga CITF personnel laban kina Pagarigan at Panganiban dahilan upang maaresto ang dalawa.
Nabatid na noon pang Hulyo 23, 2017 nahuli ang isang Isidro Denaga pero kahit walang kaso na isinampa ay nanatili sa kanilang kustodya ang nasabing preso.
Inihahanda na ang mga kaukulang kasong isasampa laban sa mga nabanggit na pulis.
- Meann Tanbio / Gilbert Perdez | Story from Jonathan Andal