Pumalo na sa 128 ang bilang ng mga nasawi sa COVID 19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y matapos masawi ang 46 na taong gulang na Intel Operative na Police Staff Sgt. sa Cotabato City.
Ayon kay Deputy Chief PNP for Administration at Administrative Support to COVID 19 Operations Task Force Commander, P/LtG. Joselito Vera Cruz, bakunado sa COVID 19 ang naturang pulis pero ito ay may comorbidity.
Aniya, naging kritikal ang kundisyon nito dahil sa iniindang diabetes hanggang sa makaranas ng Respiratory Failure bago bawian ng buhay.
Samantala, nakapagtala naman ang PNP ng 24 na bagong kaso at 68 na mga bagong gumaling sa COVID 19.
Mula sa kabuuang 48,700 na kabuuang kaso sa PNP, 323 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa PNP. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)